uy! nagulat ako ah! andami nang sagot! Maraming maraming salamat sa inyo mga tol.
nasa kabilang PC yung DB eh pero ang kinalabasan eh para ding kumbinasyon ng mga naisulat dito. Nakakagulat talaga.
may table ako na Members (lahat ng members nung coop) tapos may tinyint na lang para sa Yes/No kung board member sya. Yun tsaka isang transaction table na pinangalanan kong electionresults at dun magsasama sama sa isang row ang primary key ng transaction, bilang ng boto at membernumber ng ibinoto. Hindi kasama ang number ng kung sino ang bumoto para hindi malaman kung sino ang ibinoto ng kung sino (gulo!) hahaha! Para sa multiple elections, medyo magulo ang primary key ng transaction kasi kasama ang date ng election.
ayun! tapos sa BLL na lang masahe lahat tsaka sa RSS para mabasa ng mayos.
Ang nakakatuwa eh parang hawig nung sinabi ni cruizer ang nagawa ko (hindi sadya). Inuna ko na yung mga characters ng election tsaka sila parang isa-isang nalaglag na lang sa pwesto at nagka table na.
Para naman sa mga nagtataka kung bakit hindi ko nabibisita ang post ko na ito.. walang internet sa work. :(